55

Jan 11, 2020 @ 13:49
By

Mason pisak sa bumagsak na pader

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang construction worker matapos madaganan ng gumuhong kongkretong pader ng kanilang ginagawang pabahay sa Calamba City, Biyernes ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Danilo Swela, 59 anyos, residente ng Barangay Kay-anlog at kantero sa isang housing project.

Batay sa report ng Calamba City police, bandang alas-11:45 ng umaga, nagtatangal na ng scaffolding ang mga trabahador sa kanilang natapos na pader kabilang ang biktima nang biglang gumuho ang precast wall na may taas na 10 feet.

Sinamang palad na mabagsakan ang biktima na hindi na nakatakbo dahil sa biglaang pangyayari.

Sinusuri na rin ang precast wall at inaalam kung bakit bumigay ito sa kabila ng ilang araw na umano itong naitayo.

Isinugod pa ito sa ospital subalit idineklara na itong dead-on-arrival.

Nangako naman ang kontraktor ang proyekto na tutulungan ang pamilya ng biktima at sasagutin ang lahat ng kagastusan. (RONILO DAGOS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?