By

Masculados member, timbog sa shabu

Sharing is caring!

Hindi na sariling katawan kundi rehas na ang hinihimas ngayon ng isang miyembro ng kilalang all-male dance group.

Bagsak sa kulungan si Robin Robel, miyembro ng Masculados, matapos makumpiskahan ng hinihinalang shabu sa Barangay Lower Bicutan, Taguig City kaninang umaga ng Biyernes (Enero 5).

Kasamang naaresto ni Robel ang isang Rodel Isaac.

Base sa ulat, nagsasagawa ng Oplan Sita ang Taguig City police sa bahagi ng MLQU Avenue nang mapadaan ang dalawa sakay ng motorsiklo.

Diumano nagpakita ng kahina-hinalang kilos ang dalawa kaya’t sila ay kinapkapan at nakuha sa kanila ang dalawang sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Kapag nagpositibo sa laboratory tests ang hinihinalang droga ay kakasuhan ang dalawa ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Naging popular ang male singing group sa mga kantang ‘Jumbo Hotdog’, ‘Lagot Ka’, at ‘Sana Mama’. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?