165

By

Mascariñas sa Batang Gilas: ‘Wag tularan ang Gilas ‘Pinas

Sharing is caring!

Ayaw matulad ng isang tagapagtaguyod sa Batang Gilas Pilipinas ang naganap sa inaayudahan ding Gilas Pilipinas na nakipagrambulan sa Australian Boomers noong Hulyo 2 sa Philippine Arena sa Bulacan.

Kinapalooban ito ng P13.3-milyones na multa at suspensyon ng 10 players at 2 coaches.

Pinarating ni Bounty Agro Ventures, Inc. president at general manager Ronald Mascariñas ang bagay sa host ng Chooks-to-Go send-off dinner sa Philippine quintet sa Bar One Crowne Plaza, Ortigas Center, Pasig City Huwebes ng gabi.

”There are a lot of expectations from you guys. But more than winning, what is important is for you to be good ambassadors for the country,” bigkas ni Mascariñas. “It’s not only winning that counts — it’s how we play the game. You have a great responsibility on your shoulders, because we need to redeem the reputation of our country.”

Sasabak ang Batang Gilas, may average height na 6-foot-4 na pinakamataas na nabuo kasaysayan, sa 25th International Basketball Federation Under-18 Asian Championship sa Bangkok at Nonthaburi, Thailand sa Agosto 5-11, misyong maka-Top 4 o medal ng mga Pinoy upang makasulong sa 14th FIBA World Cup 2019 sa ihahayag pang petsa at pagdarausang bansa sa hinaharap.

Binanggit naman ni coach Joshua Reyes, na hindi gumagarantiya ang taas ng team sa tagumpay kundi kaakibat na magara dapat ang mailaro nila sa kompetisyon.

“How you use the size and play well in the size is the key,” aniya. “So now for change, we can match up a little bit.”

Trangko sa team sina 7-foot-1 Kai Zachary Sotto, 6-foot-11 AJ Edu, 6-foot-8 Geo Chu at 6-foot-7 Raven Cortez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?