29

Aug 18, 2020 @ 9:04
By

Masbate niyanig ng magnitude 6.6 na lindol

Ngayong umaga, inuga ang Masbate at mga karatig-lugar nito ng magnitude 6.6 na lindol.

Sa naunang earthquake bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, nakasaad na magnitude 6.5 ang lindol. Inangat ito patungong magnitude 6.6.

Tumama ang tectonic earthquake alas-8:03 ng umaga, Agosto 18, sa 5 kilometro southwest ng bayan ng Cataingan.

Mayroong lalim ang nasabing lindol na isang kilometro.

Dahil dito’y naramdaman ang:
– Intensity IV sa Mapanas, Northern Samar; City of Legazpi, Albay; Lezo, Aklan
– Intensity III sa City of Iloilo
– Intensity I sa President Roxas, Capiz

Inaasahang magdudulot ng pinsala at mga aftershock ang pagyanig, ayon sa Phivolcs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?