9

Nov 19, 2020 @ 8:44
By

Masbate niyanig ng magnitude 4.4

Magnitude 4.4 na lindol ang tumama sa Masbate kaninang madaling-araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Sa earthquake bulletin ng Phivolcs, sinabing tumama ang tectonic earthquake alas-3:56 ng umaga, Nobyembre 19, sa 15 kilometro northeast ng bayan ng Dimasalang.

27 kilometro ang naging lalim ng naturang pagyanig.

Sabi ng Phivolcs, hindi inaasahang magdudulot ng pinsala ni aftershock ang nasabing lindol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?