59

Dec 8, 2021 @ 19:09
By

‘Masarap sa feeling’: Kim Domingo mas bet maging single

Mas masarap daw sa feeling para sa Kapuso actress na si Kim Domingo ang pagiging single.

Halos isang taon na ngang single si Kim at ito na raw ang pinakamatagal na wala siyang kasintahan.

“Wala akong naging time na maging single talaga. Ngayon lang,” pahayag ng aktres isang panayam nitong Miyerkoles.

Aniya, mas bet niya raw sa ngayon ang maging single at mas masarap pa umano sa feeling na sarili niya lang ang iniisip niya.

“Sobrang na-enjoy ko siya. Walang sakit sa ulo. Masarap sa feeling na ngayon, yung sarili ko lang muna yung iniisip ko,” saad nito.

Matatandaang nakipaghiwalay si Kim Domingo sa kanyang boyfriend na si cager Mike Acuña noong 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?