151

By

Masarap ang putahe ni Abueva – Vice Ganda

Sharing is caring!

Proud ang komedyanteng si Vice Ganda sa kanyang matalik na kaibigan na si Calvin Abueva.

Sa ‘It’s Showtime’, napunta ang usapan sa pagluluto sa segment ng ‘Tawag ng Tanghalan’.

Sinaad ng Showtime host na masarap magluto ng kanyang ina ang dinakdakan, kaya’t kaagad na gumana ang malikot na utak ni Jhong Hilario na si Vice daw ay ‘dina-dunkan’.

Dahil sa basketball term, biglang naentra sa eksena si Calvin Abueva, manlalaro ng Phoenix Fuel Masters sa PBA, at sinabing masarap umano itong magluto.

Kapampangan si Abueva, at kilala ang mga taga-Pampanga bilang malulupit pagdating sa pagluluto.

Napa-request tuloy si Vhong Navarro na dalhan sila ng food ni Calvin, at para matikman naman ito ng mga Showtime host.

Nang matanong kung anong isusuot ni Vice habang nagluluto si Calvin, pabirong sinabi nito na hubo’t hubad dahil lumpia umano ang lulutuin nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?