175

Nov 29, 2021 @ 14:33
By

Masamang epekto ng e-sabong ilutang – Cayetano

Nanawagan si Taguig City Rep. Lani Cayetano sa gobyerno at publiko na pag-usapan ang mga masamang epekto ng e-sabong sa bansa.

Ayon kay Cayetano, hindi maitatanggi na mayroong mag estudyante at pamilya na naapektuhan ng pagkalulong sa e-sabong na maaaring laruin kahit ng mga menor de edad.

“We are also challenging our public officials, whether national or local, to be clear with your stand on e-sabong and on preventing other similar activities,” sabi ni Cayetano.

Sinabi ni Cayetano na mayroon ding problemang hatid ang e-sabong sa mga magulang at guro kaya dapat itong pag-usapan para mapigilan ang hindi magandang epekto nito.

“Majority of the victims lose their focus in school because unlike before when parents only had to deal with computer games, students also now have access to e-sabong. They can immediately access these because even minors can bet on online cockfighting,” dagdag pa ni Cayetano.

Isang 19-anyos na estudyante sa Maco, Davao de Oro ang inaresto noong Nobyembre 3, 2021 matapos na mabigong bayaran ang P561,000 utang nito dahil sa e-sabong.

Ang mister ni Cayetano na si dating House Speaker at incumbent Taguig-Pateros Rep. Alan Pater Cayetano ay tumututol sa pagpasa ng mga panukala sa Kamara de Representantes na nagbibigay ng prangkisa sa mga kompanya upang makapag-operate ng e-sabong saan man sa bansa.

“It is hard to raise children nowadays, which is why I hope parents will be able to warn their children and guide them. It is important to explain the dangers of online gambling and its effects on their focus in school. It might also destroy their future,” sabi pa ng lady solon.

Ang National Children’s Month ay ipinagdiriwang tuwing Nobyembre sa ilalim ng Republic Act 10661. (Billy Begas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?