1,945

Nov 16, 2019 @ 14:04
By

Masama bang manawagan ng prayers para kay VP? Bishop David rumesbak kay Locsin

Rumesponde si Caloocan Bishop Pablo Virgilio David matapos tawaging “moron in white mu-mu” at “ecclesiastical idiot” ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) president at Davao Archbishop Romulo Valles.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni David na professor ng Theology sa iba’t ibang paaralan si Valles bago ito naging obispo ng Zamboanga.

Nagtapos aniya si Valles ng Bachelor of Arts in Philosophy at Theology degrees sa St. Francis Xavier Regional Major Seminary sa Davao City noong 1972 at 1976, ayon sa pagkakasunod.

Giit ni David, hindi deserve ni Valles ang “vitriolic and undiplomatic” na pananalita ni Locsin dahil nanawagan lang ng prayers ang CBCP prexy para kay Vice President Leni Robredo.

“I can only wonder what it was in what the archbishop had said in his request for prayers for VP Leni that deserved such vitriolic and patently undiplomatic remarks from our country’s top diplomat?” ani David.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?