209

Jul 15, 2019 @ 14:44
By

Masakit, hindi dapat kinukunsinti! Catriona binatikos ang body-shaming

Binasag ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang kanyang pananahimik, isang linggo matapos ang pagtawag sa kanyang “fat” ng isang Thai beauty queen.

Sinagot ni Catriona ang tanong ng kanyang mga follower tungkol sa stand nito sa bullying at body-shaming.

Magugunitang naging biktima rin ng body-shaming ang reigning Miss Universe matapos siyang i-describe na mataba ng Thai beauty queen sa Instagram Story post.

Pinagtanggol ng kanyang mga fan all over the world si Catriona at binash si Miss Grand Thailand International 2019 Coco Arayha Saparurk dahil dito.

“Obviously I stand firmly against any form of bullying and bashing — online and off,” sagot ni Catriona sa online bullying at body shaming.

“It is never, ever okay to put someone down for the sake of “expressing your opinion”. With words come power and we should be using those words to build someone up and not pull them down,” dagdag pa niya.

Sabi pa niya, hindi dapat kinukunsinti ang body-shaming at masakit ito. (

“Bodyshaming is hurtful and shld never be tolerated. If anyone reading this too has been bodyshamed, I know how it feels. I’m sorry you’ve had to experience that. But knw that you are more than your appearance. You are a capable, unique and worthy person. And you are never alone.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?