40

By

MASA MASID drop boxes ikinalat sa QC

Para mas mapabuti at mapaigting pa ang pagbibigay serbisyo, naglagay ng mga drop boxes sa mga barangay sa Quezon City ang lokal na pamahalaan upang doon ihulog ang mga reklamo at suhestiyon ng mamamayan ng lungsod.

Nilagdaan ni Mayor Herbert Bautista ang Memorandum of Agreement, kasama ang Quezon City Police District at Department of Interior Local Government para sa distribusyon ng drop boxes na may nakasulat na ‘Mamamayang Ayaw sa Anomalya, Mamamayang Ayaw sa Iligal na Droga (MASA MASID) sa 142 barangays sa lungsod, kung saan ay doon na lamang ihuhulog ng mga residente ang kanilang mga reklamo at suhestiyon.

Pinangunahan ni Mayor Bautista ang distribusyon ng MASA MASID drop boxes sa mga punong barangays sa Quezon City at sa mismong QC Hall.

Paliwanag naman ni Vice Mayor Joy Belmonte, isa sa mga criteria na kanilang inilaan para maging drug cleared ang mga barangay, ay kailangang mandatory na may suggestion box sa bawat barangay.

Aniya, napansin nila na sa mga barangay ay iba’t iba ang itsura ng mga suggestion boxes at hindi standardized kaya hindi malinaw sa taumbayan kung ano ang mga dapat nilang ilagay sa mga ito at may nakasulat pa na ‘para sa mga matotokhang’.

Ang mga drop boxes ay matatagpuan sa mga strategic locations sa labas ng mga barangay halls at ito ay kokolektahin at babasahin tuwing una at ikatlong Biyernes ng buwan.

Sa mga residenteng maghuhulog ng kanilang mga ‘suggestions and complaints’ kailangang ito ay naka-sealed sa brown envelope na may lagda ng persons-in-charge.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?