103

By

Mas piniling mag-Amerika: UP atras sa Filoil tournament

Hindi na tatapusin ng University of the Philippines ang Filoil Flying V Preseason Cup dahil sa conflict sa schedule.

Ayon sa pahayag ni head coach Bo Perasol, hindi na tutuloy ang UP sa torneo dahil sa pinili ng mga ito na ipagpatuloy ang training sa Amerika.

“Prior to the tournament, we made plans on training abroad in the United States,” ayon kay Perasol. “Our training abroad was contingent upon securing the visas for our players, of which there was no guarantee.”

Nakuha na umano ng mga kanilang mga manlalaro ang mga papeles para makapunta sa Amerika.

“We regret pulling out and we promise to make this up in future Filoil Flying V Preseason Cups. We deeply apologize to the fans, the media, and other teams participating in the tournament, and most especially to the organizers of this wonderful tournament,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?