149

Dec 30, 2017 @ 16:32
By

Mas pinadaling proseso ng pagbabayad ng buwis, inutos sa BIR

Kasabay ng mga reporma para mapalaki ang koleksyon, inutusan ni Finance Secretary Carlos Dominguez III ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na pabilisin naman ang proseso sa pagbabayad ng buwis.

“Paying taxes is painful enough for many of us. Let us minimize inconveniences in the process,” bilin ni Dominguez sa BIR.

Kasabay nito, umaasa si Dominguez na pag-iibayuhin ng BIR ang pakikipagtulungan sa Bureau of Customs para mahuli ang mga big-time tax evaders.

Nais nito na palakasin ang pagtutulungan ng dalawang kawanihan sa mga rehiyon lalo na sa aspeto ng anti-smuggling.

Pinuri naman ng kalihim ang BIR sa nakakabilib na 11.84% collection rate mula Enero hanggang Setyembre.

Ito aniya ay sinabayan pa ng 96.96% na goal attainment rate. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?