230

Apr 10, 2019 @ 10:49
By

Mas nanlumo sa LA! Magic Johnson nagbitiw bilang Lakers President

Pinutol na ni Magic Johnson ang kanyang kaugnayan sa Los Angeles Lakers management.

Ito’y matapos nitong ianunsyo sa biglaang press conference na magbibitiw na siya bilang president of basketball operations ng koponan sa pagtatapos ng season.

Ayon sa tweet ni ESPN Dave McMenamin, hindi umano batid ng LA team owner na si Jeanie Buss ang kanyang naging desisyon.

Paliwanag nito, hindi umano siya magiging ‘statesman’ ng basketball habang nakaupo sa pwesto.

Dinagdag niya pa na sa kanyang panunungkulan bilang Lakers top executive ay hindi umano siya naging lubusang masaya.

“I was happier when I wasn’t the president (of the Lakers),” ayon kay Johnson.

February 2017 naluklok si Johnson sa LA, tagumpay na nakuha si four-time NBA MVP LeBron James ngayong season ngunit kinulang pa rin para makatungtong sa playoffs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?