48

Oct 10, 2021 @ 18:33
By

Mas murang swab test sa turista tangka ng DOT

Patuloy na ginagawan ng paraan ng Department of Tourism (DOT) ang pagbibigay ng diskwento sa presyo ng RT-PCR test para sa mga lokal na turista.

“We’re working on kung pwede pa namin mababaan … Siyempre, we want travel to be affordable to everybody,” wika ni DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat ngayong Linggo.

Ayon sa kalihim, sa ngayon ay P750 lamang ang presyo ng RT-PCR test sa Philippine Children’s Medical Center para sa mga turista na manggagaling sa NCR.

Bukod dito, binigyan din ng DOT ng subsidiya ang Philippine General Hospital upang mapababa sa P950 ang RT-PCR test ng mga turista.

Gayunman, sa tingin ni Puyat ay mataas pa ang mga naturang halaga at dapat pa itong mabababaan.

Samantala, ibinalita rin ng kalihim na nitong Biyernes ay tinanggal na ng pamahalaan ang age restriction para sa mga turista galing NCR na babyahe sa mga tourist spot na nasa ilalim ng modified general community quarantine at GCQ. (MJD)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?