52

May 18, 2021 @ 12:51
By

Mas mukhang matanda? Jasmine napagkamalang nanay ni Anne

Naguluhan si Jasmine Curtis-Smith sa tanong ng isang netizen kung siya ba ang nanay ng kanyang ate na si Anne Curtis.

Sa TikTok video ni Jasmine, makikita ang lito nitong mukha bago sagutin ang tanong ng netizen.

“10 years akong mas bata sa kanya!” sey ni Jasmine.

“KELAN PO BAKIT AKO PA UNG NANAY,” caption pa ng aktres sa kanyang TikTok video.

Marami naman ang dumepensa kay Jasmine at nilinaw na nakababatang kapatid ito ni Anne.

Hirit pa ni Jasmine, sana ay napagkamalan na lang siyang ate ni Anne kaysa nanay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?