75
geraldine-roman
May 27, 2018 @ 10:05
By

Mas mataas na pensiyon sa mga beterano, aprub sa Kamara

Pasado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang House Bill 725 na naglalayong taasan ang buwanang pensiyon ng mga beterano.

Sa ilalim ng panukala na pangunahing iniakda ni Bataan Rep. Geraldine Roman, gagawing P20,000 mula sa kasalukuyang P5,000 ang old age pension ng senior veterans.

Sakop ng old age pension increase ang mga beterano ng World War II, Korean at Vietnam Wars. Para sa mga beterano ng Korean at Vietnam wars, dapat wala silang tinatanggap na pensiyon mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Limitado rin ito sa mga nabubuhay pang senior veterans at hindi maaaring ilipat sa sinumang miyembro ng pamilya o dependent.

Nakasaad sa bill na ang halagang kakailanganin para sa paunang implementasyon ng old pension increase ay kukunin sa kasalukuyang pondo ng Philippine Veterans Affairs Office (PVAO), at isasama naman sa taunang budget ang pondo para sa patuloy na implementasyon ng programa.

Ayon kay Roman, ang kasalukuyang P5,000 pensiyon ng mga beterano na naisabatas 21 taon na ang nakalipas ay hindi na sapat sa pangangailangan ng mga ito para makapamuhay ng disente.

“Our veterans have sacrificed much for our country. People who have dedicated their lives in the service of the country should, at the very least, be able to live out the days of their days comfortably without worrying about their basic needs,” paliwanag ng kongresista. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?