9

Apr 8, 2021 @ 13:23
By

Mas masakit kagat ng langgam! Rex Gatchalian bakunado na vs COVID

Naturukan na ng COVID-19 vaccine si Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian.

Sa tweet ng alkalde, binahagi nito ang ilang larawan habang binabakunahan siya ng CoronaVac, ang bakuna na gawa ng Chinese biopharmaceutical company.

Nagpasalamat din siya sa vaccination team ng kanilang lungsod, at inanunsyo na simula sa parating na weekend ay simula na sila sa pagututrok ng mga may comorbidity at isusunod ang mga senior citizen.

Sinagot naman ng alkalde ang isang netizen na nagtanong kung masakit ba ang pagpapabakuna.

“Hindi naman. Not at all. Masmasakit pa kagat ng langgam,” ayon kay Gatchalian.

Hinimok din niya ang mga Valenzuelano na mag-register gamit ang valtrace.appcase.net para mabakunahan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?