135

Mar 15, 2021 @ 20:59
By

Mas maraming patay na abogado sa Duterte admin, sinagot ng DOJ

Walang kaugnayan sa kung sinong nakaupong presidente ang bilang ng mga napatay na abogado sa bansa.

Ito ang tugon ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra sa pagkumpara ng mga kritiko sa bilang ng mga namatay na abogado at hukom sa nakalipas na limang administrasyon na 49, habang 61 ang naitala sa loob ng limang taon sa ilalim ng Duterte administration.

Sinabi ni Guevarra sa press briefing sa Malacañang na sa simula’t simula ay batid ng mga abogado ang panganib na kakabit ng kanilang propesyon at hindi tamang iugnay na may kinalaman ang Presidente sa bilang ng mga namatay na abogado, piskal o judges.

“The President himself is a lawyer, do you think he will have a policy na parang or will do something that will put his fellow members of the legal profession in personal jeopardy?” ani Guevarra.

Marami aniyang mga abogadong humahawak ng mga kontrobersiyal na kaso, gaya ng iligal na droga, terorismo, corruption case, election case at iba pa na naglalagay sa panganib sa kanilang buhay.

Sinabi ni Guevarra na posible ring personal o kaya ay may iba pang motibo ang dahilan kaya napapatay ang mga abogado, piskal o hukom pero hindi tamang ibintang ito sa nakaupong Presidente.

“Maaaring ang reason for the violence committed against them ay personal, business-related, maaaring political or maybe may mga certain advocacies sila na personal na pino-pursue very actively,” dagdag ni Guevarra.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?