1

Oct 17, 2020 @ 17:57
By

Mas maraming pasahero pinayagan sa MRT-3

Tataasan hanggang 30 porsiyento ang mga pasaherong maaaring sumakay sa Metro Rail Transit-3 (MRT-3).

Ayon kay MRT-3 director for operations Michael Capati nitong Sabado, simula October 19, aakyat sa 372 pasahero kada train set ang kanilang isasakay mula sa dating 153.

Maliban sa pagtataas sa kanilang passenger capacity, sinabi ni Capati na magdaragdag sila ng mga tren para mas maraming maisakay na pasahero

“We will do this to help transport more people. In addition to increasing our train capacity, our passengers can also expect more trains to be deployed along the mainline, shorter waiting time, and faster travel time. This is part of DOTr [Department of Transportation] and MRT-3’s commitment to provide a more efficient and improved service to our passengers,” ani Capati sa isang statement.

Nagpaalala siyang dapat sundin ang mga sumusunod na panuntunan habang nasa loob ng tren: Magsuot ng face mask at face shield, bawal magsalita o kumausap sa cellphone, bawal kumain at bawal ang symptomatic passenger.

Dapat din aniyang sumunod sa physical distancing rule.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?