645

Aug 22, 2019 @ 13:08
By

Mas maraming deserve ang 2nd chance! Bianca Gonzalez inis sa pagpapalaya kay Sanchez

Hindi napigilan ng TV host na si Bianca Gonzalez na ilabas ang kanyang pagkadismaya sa napabalitang posibleng pagpapalaya sa ex-Calauan mayor Antonio Sanchez na nang-rape at pumatay sa UPLB student na si Eileen Sarmenta.

Ayon kay Gonzalez, dapat ay sa iba na lang ibigay ang second chance sa labas ng kulungan dahil hindi deserve ng isang convicted rapist at mamamatay tao ang muling makalabas sa bilibid.

“Mas madami namang ibang deserving ng second chance.. yung nagnakaw ng cellphone o delata para may pangkain ang pamilya niya.. madaming kasong ganun sa kulungan.. di hamak na mas deserving sa second chance kumpara sa proven guilty na rapist at killer,” giit ng TV personality.

Binahagi din ni Gonzalez ang isang online petition para mapanatili sa kulungan ang ex-Mayor na nilagdaan na ng nasa 19,000 katao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?