114
Mas maraming batas, reporma kung mananatili si Sotto bilang lider ng Senado – Gatchalian
May 26, 2019 @ 17:56
By

Mas maraming batas, reporma kung mananatili si Sotto bilang lider ng Senado – Gatchalian

Mas makabubuti umano kung magpapatuloy ang termino ni Senator Vicente “Tito” Sotto III bilang Senate president para sa 18th Congress dahil sa kaniyang estilo ng pamumuno, saad ni Senator Sherwin Gatchalian.

Aniya, mas maraming reporma ang maipapasa kung magpapatuloy ang pamumuno ni Sotto.

“Mas maganda ho na tuloy-tuloy yung pagsusuporta kay Senator Sotto para itong nalalabing tatlong taon ng administrasyon, mas maraming tayo na matapos na panukalang batas,” saad ni Gatchalian sa isang panayam sa dzBB.

“I think it would be the best interest of the majority and also the administration na si Senator Sotto dahil alam niya na ho yung kanyang gagawin at marami hong matapos na mga reporma kung siya po yung tuloy tuloy na Senate president.”

Ayon kay Gatchalian “consensus builder” umano si Sotto at nakikinig ito sa mga ideya at paninindigan ng bawat senador sa bawat sesyon.

Hinikayat din ni Gatchalian ang mga bagong senador na binubuo ng mga administration candidates na suportahan ng mga ito ang liderato ni Sotto.

“Whether Hugpong ka, or PDP ka, ako NPC, parte po tayo ng majority, at sa ngayon ang incumbent na majority ay suportado sa liderato ng ating incumbent Senate president Vicente Sotto,” ani Gatchalian.

“Ang importante, senador ka. Ang importante, pagpasok nung batas at issue sa plenaryo ay aktibo kang nakaikipag diskuryso. Para sa akin, secondary na lang ‘yung chairmanship,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?