52

Mas maraming adik sa LuzViMin kesa NCR – SWS

Mas lumobo ang bilang ng mga adik sa Luzon, Visayas at Mindanao kumpara sa Metro Manila, ayon sa huling survey ng Social Weather Station.

Sa resulta ng survey na inilabas nitong Biyernes, sinabing mas dumarami pa ang bilang sa mga gumagamit ng iligal na droga sa LuzViMin kumpara sa mga nagdaang mga buwan ng 2017.

Sa Luzon, tumaas ang 11 porsiyento ang bilang ng mga adik kung saan umakyat ito sa 45 porsiyento nitong Disyembre 2017 mula sa dating 34 porsiyento noong Setyembre 2017.

Sa Visayas, pumalo naman sa 43 porsiyento ang bilang ng mga drug addicts nitong Disyembre 2017 mula sa 40 porsiyento na naitala noong Setyembre 2017.

Sa Mindanao, sinabi sa survey na umakyat sa 30 porsiyento ang mga adik noong Disyembre mula sa dating 27 porsiyento lamang noong Setyembre ng nagdaang taon.

Samantala, bumaba naman sa 12 porsiyento ang bilang ng mga drug users sa National Capital Region saan nakapagtala ito ng 50 porsiyento nitong Disyembre 2017 kumpara sa 62 porsiyento noong Setyembre 2017.

“This is 12.2 points below the record-high 70.0% annual average in 2016, and 0.2 point below the previous record-low annual average of 58.0% in 2006,” ayon sa SWS.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?