522

By

Mas marami daw steals? Imee Marcos binanatan sa Kobe tweet

Hindi nakalusot sa mga netizen ang naging pakikiramay ni Senadora Imee Marcos sa pagpanaw ni NBA legend Kobe Bryant.

Sa tweet ni Imee, kanyang binalikan ang kanilang pagkikita ni Kobe kasama ang kanyang anak sa Shangri-la, Makati noong 2007.

Binahagi ni Imee ang larawan bilang pagkilala kay Kobe, na pumanaw sa helicopter crash noong Linggo sa Calabasas, California.

“Kobe and us — he loved the Philippines and we loved him! This was taken on Sept 5, 2007 at the Shangrila Makati where my son, Michael, celebrated his 22nd birthday. Rest in peace, Black Mamba,” ayon kay Marcos.


Sa nasabing tweet ay maraming tumuligsa kay Imee, sinabing oportunista umano ito at sinakyan lang ang issue kay Bryant.

“She saw the opportunity, she grabbed it. Galawang Marcos,” saad ni @MABuendiaHD.

Bukod pa rito ay marami din ang binalikan ang mga kaso ng ill-gotten wealth ng kanyang pamilya noong presidente pa ang diktador na si Ferdinand Marcos.

“mas marami kang steals kesa kay kobe imee,” sey ni @malayopangumaga.

“Kobe is a Legend and ikaw legendary sa pagiging anak ng kawatan,” giit naman ni @Malditahin1.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?