61

Oct 21, 2021 @ 18:48
By

Mas malawak na renewable energy source kailangan—Salceda

Itinulak ni House Committee on Ways and Means chairperson at Albay Rep. Joey Salceda ang pagkakaroon ng mas malaki at murang suplay ng kuryente mula sa mga renewable energy power plant.

Ginawa ni Salceda ang pahayag matapos na itaas ng National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) ang yellow alert noong Miyerkoles matapos na maging manipis ang suplay dahil sa pagtigil ng operasyon ng limang planta.

Ayon kay Salceda, tumataas ang presyo ng coal na kailangan ng mga coal power plants para makagawa ng kuryente. Ang pagtaas ng presyo ng coal ay mangangahulugan ng mas mataas na singil sa mga kustomer.

“What’s more, coal is extremely easy to game if you are a generation company. If you cite ‘maintenance issues,’ or even a ‘lack of supply,’ you could manipulate power generation, and thus prices,” Salceda explained.

Pinapaboran umano ni Salceda ang pagtatayo ng mga solar at wind power plant dahil mahirap umanong pahintuin ang araw at hangin para hindi makalikha ng kuryente.

Ang pagkakaroon umano ng maraming renewable energy sources ay nangangahulugan na mas maraming pagpipilian kung saang makabibili ng mas murang kuryente sa spot market.

Iminungkahi ni Salceda ang pagtatayo ng inter-agency Energy Investments Review Board para mabilis na maiproseso ang papeles ng mga nais na magtayo ng renewable energy power plants.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?