94

Feb 7, 2018 @ 15:38
By

Mas malapad na Katipunan Avenue, bukas na sa motorista

Matapos ang isang taong konstruksiyon, binuksan na sa mga motorista ang dalawang karagdagang lane na itinayo sa Katipunan Avenue sa lungsod ng Quezon.

Ito ay makaraang makumpleto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang P55 milyon na halaga ng widening at flood-control project sa southbound ng Katipunan Avenue, mula Shuster Street hanggang CP Garcia Avenue sa harap ng University of the Philippines-Diliman Campus.

Pinangunahan ni Villar ang pagbubukas sa mas malapad na bahagi ng Katipunan Avenue.

Kasama rin sa proyekto ang pagsasaayos ng sidewalk o bangketa para matiyak ang kaligtasan ng mga pedestrian.

Paliwanag ni DPWH Sec. Mark Villar, layunin ng proyekto na maibsan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa intersection ng CP Garcia at Katipunan Avenue.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?