153

May 19, 2022 @ 14:49
By

Mas mahal kesa kay Shaquille! Bahay ng Pinoy sa Orlando binebenta ng $25M

For sale ngayon ang bahay ng isang Pilipino sa Orlando, Florida sa Amerika sa halagang $25 million o mahigit P1 bilyon.

Sinasabing mas mahal ito sa bahay ni NBA legend Shaquille O’Neal sa naturang lugar, na naibenta noong nakaraang taon ng $11 million o mahigit P500 milyon.

Matatagpuan ang mansyon na tinatawag na “Entrelagos” sa isang private peninsula, ayon sa ABS-CBN report.

Mababasa sa gate ng mansyon, na may tatlong palapag, ang mga salitang Pilipino na “Tuloy Po Kayo”.

May sukat ang bahay na 15,000 square feet. Mayroon itong 13 kuwarto at 13 banyo.

Makikita rin dito ang isang veranda at two-story rotunda library na may spiral staircase.

Bawat detalye ng mansyon ay may haplos ng mga tradisyonal na disenyong Pilipino.

Saad ng senior real estate agent na si Richard Dempsey, hiniling ng may-ari ng “Entrelagos” na manatili siyang “anonymous”.

Nagdesisyon daw itong ibenta ang mansyon dahil gusto niyang magtayo ng “Green Building” sa Subic Bay sa Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?