39

Jul 20, 2021 @ 18:16
By

Mas mahabang employment probationary period diringin sa Kamara

Magsasagawa ng pagdinig ang House Committee on Labor and Employment sa Miyerkoles kaugnay ng panukala na palawigin sa 24 buwan ang kasalukuyang anim na buwang employment probationary period.

Naniniwala ang may-akda ng panukala na si Probinsyano Ako Rep. Jose ‘Bonito’ Singson Jr., na makatutulong ang panukala sa mga employer na lubhang naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Singson na magbebenepisyo rin ang mga bagong pasok sa trabaho dahil hindi mapipilitan ang mga employer na sila ay alisin bago ang kanilang ika-anim na buwan sa trabaho.

Marami umanong employer ang umiiwas na maregular ang kanilang mga empleyado dahil sa dagdag na gastusin na nakapaloob rito gaya ng mga benepisyo.

Kung magiging 24 buwan umano ang probationary period ay mas mataas ang posibilidad na may trabaho ang empleyado sa loob ng 23 buwan.

“The probationary employees will enjoy over six months of continuous employment to keep them afloat as the COVID-19 pandemic threatens them and their family,” dagdag pa ni Singson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?