44

Feb 28, 2020 @ 19:03

Mas magaling ako kay Thirdy – Kiefer

Tingin ni Kiefer Ravena, mas malupit siya sa court kumpara sa nakababata niyang utol na si Thirdy Ravena.

Sa ginanap na PBA Media Day, nakapanayam ng Abante Sportalakan host na si Sarah Jierh Asido ang No. 1 playmaker ng NLEX Road Warriors at natanong ito kung sino sa kanila ni Thirdy ang mas magaling sa hard court.

Ang sagot ni kuya Kiefer: “since ako naman ang kausap mo, ako na lang muna,” pabirong tugon ni Kiefer.

“Sa susunod na siguro kapag siya na ang ininterview ninyo.”

Pero biglang nagseryoso at kumambiyo si kuya.

“I mean Thirdy has so much potential. The sky is the limit. He’s only gonna get better,” paliwanag ni Kiefer.

Nagsama ang mag-kuya sa unang window ng FIBA Asia Cup 2021 Qualifiers para sa Gilas Pilipinas kontra Indonesia kamakailan kung saan nangibabaw si Thirdy sa 100-70 panalo ng Nationals.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?