18

Jun 19, 2020 @ 15:21

Mas magaling ako kay Bolick – Perez

WALANG halong yabang, pero tingin ni CJ Perez, ‘di hamak na mas magaling siya sa kasabayang si Robert Bolick.

Kapwa nasa ikalawang taon na sa Philippine Basketball Association (PBA) sina Perez ng Columbian Dyip at Bolick ng NorthPort Batang Pier at maganda ang hinaharap nila sa liga.

Magkasama rin ang dalawa sa Gilas Pilipinas sa nagdaang 2019 FIBA World Cup kung saan parehong maganda ang kanilang performance.

“Kapag kalaban namin ang San Beda at ‘yung Robert Bolick, sinasabi ko sa sarili ko gagalingan ko kasi alam kong gagawin niya ‘yung best niya at alam kong mas magaling ako sa kanya,” kwento ni Bolick sa ‘The Prospects Pod’ sa artikulong unang lumabas sa Spin.ph.

Wala namang kaso kay Bolick kung tingin ni Perez ay mas magaling ito kesa sa kanya.

Nananatili aniya ang respeto sa pagitan nila.

“Kapag magagaling na player, walang force right o force left. Si CJ scorer ‘yan so hahanap at hahanap ng paraan ‘yan para maka-score. Hindi ko ito matatalo kasi talon nang talon,” sabi naman ni Bolick.

Dalawang ulit tinalo ng San Beda Red Lions ni Bolick ang Lyceum Pirates ni Perez sa NCAA Finals kaya pagdating sa PBA ay mas ginagalingan pa nila. (Abante Sports)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?