39

Mar 21, 2020 @ 14:16
By

Mas madaming tubig, samo ng MWSS

Hiniling ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System sa National Water Resources Board na dagdagan ang alokasyon ng tubig habang inaawat pa ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Ang concessionaires ng MWSS na Manila Water Services Inc. ng mga Ayala at ni Ricky Razon at ng Maynilad ng mga Consunji at ni Manny V. Pangilinan ang nagsusuplay ng tubig sa Metro Manila at Rizal kung saan pinakamarami ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Mahalaga ang tubig ngayon sa mga ospital lalo na’t nagkaubusan na ng face mask at alcohol para sa mga health worker.

Sa isang pahayag, sinabi ng MWSS na hiniling nitong gawing 46 cubic meters per second ang alokasyon ng tubig para sa NCR mula sa 42 CMS para maseguro ang 24-oras na suplay ng tubig.

Dagdag ng MWSS, ligtas ang drinking water na sinusuplay sa mga nasa MWSS concession area at sumusunod ito sa Philippine National Standards for Drinking Water.

Para matiyak ang serbisyo sa tubig, inendorso din ng MWSS ang exemption ng mga tauhan ng Maynilad, Manila Water at kanilang mga service provider sa pag-ikot sa mga quarantine area para makapagkumpuni ng mga tubo sakaling magkaproblema ang mga ito, o ‘di kaya’y mag-deliver ng tubig.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?