abante pnr railway project
By

Mas mabilis at matipid na biyahe, hatid ng PNR Clark project

Sharing is caring!

Iwas trapik, mas mabilis at matipid.

Ito ang pakinabang ng mga bumibiyahe ng Bulacan kapag natapos na ang PNR Clark Phase 1.

Sa pangunguna ni Transportation Sec. Arthur Tugade kasama sina Sens. JV Ejercito at Joel Villanueva ay pinasinayaan ang pagsisimula ng konstruksyon ng proyekto sa bayan ng Marilao.

Ang proyekto ay may habang 38 kilometro mula Tutuban Station sa Maynila hanggang sa Malolos, Bulacan at magkakaroon ng kabuuang 10 istasyon.

Sinabi ni Tugade na tinataya nila na aabot sa 340 libo pasahero ang makikinabang sa naturang biyahe ng PNR na tatagal lang ng 35 minuto.

Ipinagmalaki ng kalihim na wala pa mang nakukuhang kontratista sa proyekto ay sinimulan na nila ang ibang gawain para mapabilis ang konstruksyon.

Inaasikaso na rin nila ang isyu sa right of way sa mga lupain na maaapektuhan ng proyekto.

Inaasahan na matatapos at magiging operational na ang biyaheng Tutuban-Malolos ng PNR sa 2021. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?