100

By

Mas mabangis na Stephen aabangan sa second round

Sharing is caring!

Linggo sa Manila ay sisiklab ang NBA postseason, pero walang garantiya na sa pang-apat na sunod na season ay Golden State at Cleveland pa rin sa Finals.

Pagkatapos ng regular season, No. 3 sa West ang Warriors at No. 4 sa East ang Cavaliers. No. 1 sa bracket ng Golden State ang Houston, Toronto sa grupo ng Cleveland.

Asahang magiging mas mabangis ang Warriors pagbalik sa second round ni Stephen Curry mula knee injury. Ito ay kung makakalusot sila sa delikadong Spurs sa unang round.

Si LeBron James, starring role sa huling pitong NBA Finals. Mas kabisado niya kung paano makarating sa finish.

Si Rockets coach Mike D’Antoni at kamador niyang si James Harden, hindi pa nananalo. Si Chris Paul, hindi pa nakakaalpas sa second round.

Winalis sa apat na laro ni James at ng Cavs ang Raptors sa second round noong nakaraang taon.

Basagan ang Golden State at No. 7 San Antonio sa postseason opener, Raptors kontra No. 8 Washington sa East. Sa iba pang 3-6 matchups ay Philadelphia at Miami (East), at Portland-New Orleans (West).

Kinabukasan ay No. 2 Boston at No. 7 Milwaukee, at Cavs vs. No. 5 Indiana sa East, No. 4 Oklahoma City vs. No. 5 Utah, at Houston vs. No. 8 Minnesota sa West.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?