57

By

Mas lalong lumakas ang 76ers sa pagdating ni Butler – LeBron James

Sharing is caring!

Ngayong natupad na ang kahilingan ni Jimmy Butler, isa na ang Philadelphia 76ers sa mga inaabangan na contender sa Eastern Conference.

At ganito rin ang tingin ni Los Angeles Lakers superstar na si LeBron James.

Ayon sa four-time NBA MVP, isa na ang 76ers sa pinakamatinik sa kanyang dating kumperensya, ngunit sa pagdating ni Butler, mas lalong dapat katakutan ang nasabing koponan.

I think they were a contender before,” pakli ni James ng hingin ang kanyang reaksyon. “So it only enhances what they’re able to do. I mean, they’ve got Ben and Joel and now you’re adding Jimmy. I think that’s a very, very good team.”

Ngayong araw ay pormal nang itrinade si Butler, kasama ni Justin Patton, ng Minnesota Timberwolves, kapalit sina Dario Saric, Robert Covington, Jerryd Bayless at 2022 second round pick.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }