32

By

Mas lalala ang serbisyo sa MRT sa pagbitiw ni Chavez

Sharing is caring!

Ikinalungkot ng ilang kongresista ang pagbibitiw ni Transportation Undersecretary for Rails Cesar Chavez.

Pero hindi na rin daw ito ikinagulat ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate dahil sa nasagasaan ni Chavez na mga economic at political interests habang inaayos ang mga problema sa MRT-3.

Ayon kay Zarate, si Chavez ang bukas sa mga opisyal sa ilalim ng DOTr at kadalasang nag-iimbita ng mga grupo at organisasyon para tingnan o konsultahin kung paanong sosolusyunan ang mga problema sa rail systems sa bansa.

Kasunod ng pagbibitiw ng opisyal, dapat na aniyang asahan ng publiko ang mas malala pang serbisyo ng MRT.

“His irrevocable resignation shows that the commuting public will expect, not an improvement, but an even worse MRT service,” sabi ng kongresista.

Isinisi naman ni Zarate sa palpak na privatization program ng gobyerno ang problema sa MRT at LRT. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?