50

By

Mas gustong mag-3×3: Pasaol dedma sa PBA Draft

Sa pangalawang sunod na pagkakataon, muling ipagpapaliban ni dating University of the East super scorer na si Alvin Pasaol ang pagtungtong sa PBA.

Dahilan nito, mas pagtutuunan niya ng pansin ang mga 3×3 tournament, kung saan second ranked player siya sa ‘Pinas, pang-136th naman sa world ranking.

“Di ako magpapa-draft this year. Itutuloy ko yung campaign ko na sinimulan ko for 3×3,” ayon kay Pasaol matapos sungkitin ang kampeonato para sa Wilkins Balanga sa 2019 Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 Magiting Cup.

Paliwanag ng 6’3” swingman, mas komportable umano siya sa 3×3 kaysa sa normal na five-on-five match.

“Mas kundisyon ako sa 3×3. Mas mahirap yung 3×3 kontra sa 5-on-5 kasi yung transition mahirap, pero kinaya ko naman. Madami naman kaming mga coaches na pinu-push kami every training,” lahad ng dating UE star na ‘di nilaro ang kanyang huling playing year sa unibersidad.

Goal ni Pasaol na makapasok ang Pilipinas sa Tokyo 2020 Olympics sa 3×3 event kung saan walong koponan lang mula sa iba’t ibang bansa ang kukunin.

“Tatapusin natin ito, pupunta tayo ng Olympics. Going forward tayo sa Olympics. Kakayanin natin ito,” giit ni Pasaol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?