708

Jan 3, 2018 @ 15:40
By

Marvin at Markki Japan trip photos super viral

Eh ano naman ngayon kung magkasama sina Marvin Agustin at Markki Stroem sa Japan noong nakaraang New Year? Hindi ba puwedeng magkasama ang dalawang magkaibigan sa ibang bansa para mag-celebrate ng isang okasyon?

Nag-viral nga sa social media ang photos nina Marvin at Markki, kasama ang twin boys ng aktor, habang nagbabakasyon sila sa Japan.

Makikita ngang ine-enjoy nila ang pag-ski sa Annupuri Slopes na first time maranasan ng mga anak ni Marvin.

“My goal is to create a life. I don’t need a vacation from… #HappinessEveryday,” caption pa ni Marvin sa kanyang Instagram post.

Samantalang si Markki ay may sariling post sa kanyang masayang pagbakasyon sa Japan.

“Amazing view from the Hirafu Slopes! What a New Years Eve it has been. Have a beautiful last day of the year everyone!”

May photo naman silang apat na pinost ni Markki.

“Fun day on the Annupuri slopes! I love Niseko!”

Nasabi na noon ni Marvin sa press conference ng teleseryeng ‘Kambal, Karibal’ na best friends sila ni Markki. Wala raw siyang nakikitang masama kung magkasama sila dahil matagal na raw silang magkaibigan ng controversial underwear model.

Kung may mga nag-iisip daw ng hindi tama sa friendship nila ni Markki, wala na raw siyang time para mag-explain sa mga ito.

“I don’t have time to hate the people who hate me… coz I’m too busy to love the people who love me…” (Ruel Mendoza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?