122
Marvel maglalabas ng isa pang Pinay superhero
Jul 27, 2019 @ 16:37
By

Marvel maglalabas ng isa pang Pinay superhero

Matapos ipakilala si “Wave”, isang Filipina superhero mula sa Cebu na may kapangyarihang makontrol ang tubig, isa pang Pinay ang papasok sa Marvel Comics universe sa Setyembre.

Ibinalita ito sa Twitter ni Greg Pak, ang isa sa lumikha kay “Wave:.

Makikita ang newest Filipina superhero sa issue #3 ng “Aero”.

“Hot tip comics collectors: @crashwong, @popmhan and I are introducing ANOTHER brand new Filipina superhero in AERO #3. And she is awesome. Do not miss this — preorder the book today with your local comic book shop!” tweet ni Pak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?