230

By

Marvel maglalabas ng Filipino superhero

Magkakaroon ng mga bagong superhero ang Marvel Comics.

Isa sa mga ito ay isang Filipino heroine na papangalanang “Wave”.

Kabilang si “Wave” sa “Agents of Atlas” na magde-debut umano sa May.

Hindi pa inilalabas ng Marvel Studios ang image ng bagong heroine.

Nakatakda niyang sagipin ang mundo sa “The War of the Realms” kasama ang iba pang bagong karakter na sina Aero at Sword Master na mula sa China.

Malaking Marvel universe story umano ang “The War of the Realms” kung saan mapapabilang din umano ang Avengers, Fantastic Four at si Wolverine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?