39

By

Marvel legend Stan Lee pumanaw na

Sharing is caring!

Paalam, Stan Lee.

Yumao na ang sikat na Marvel comics writer na si Stan Lee sa edad na 95-anyos.

Ito’y matapos alpasan ang ilang karamdaman, ngunit nanatili pa ring aktibo sa Marvel movie franchise.

“With a heavy heart, we share our deepest condolences with his daughter and brother,” saad ng Marvel Comics at ang may-ari nito na The Walt Disney Company.

“We honor and remember the creator, voice and champion of Marvel… Every time you open a Marvel comic, Stan will be there.”

Aksidente ang pagiging comic book writer ni Stanley Lieber, tunay na pangalan ni Stan Lee, nagkataon na pinasok siya ng kanyang tito sa isang publishing house ng comics para punuin ang lalagyan ng tinta ng mga artist at magtimpla ng kape.

“I felt someday I’d write the ‘Great American Novel’ and I didn’t want to use my real name on these silly little comics,” pakli ni Lee.

At mula sa simpleng trabaho, naenganyo si Lee na maging comics writer at ngayon ay ‘di maikakailang pinakasikat sa mundo ng mga superhero.

Ilan sa kanyang mga nagawa ay ang Spider-Man, Black Panther, X-Men, Fantastic Four, Iron Man, Thor at Doctor Strange, lahat ay nagmarka bilang superhero movie franchises na humakol ng milyong dolyar.

“Stan Lee was as extraordinary as the characters he created,” pakli ni Disney CEO Bob Iger. “A superhero in his own right to Marvel fans around the world, Stan had the power to inspire, to entertain, and to connect.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?