14

Sep 10, 2021 @ 15:02

Maruming hangin sa opisina nakakabobo sa trabaho – pag-aaral

Lumabas sa isang pag-aaral ng Harvard T.H. Chan School of Public Health na gumaganda ang trabaho at tumatalas ang isip ng mga empleyado kung malinis at presko ang hanging dumadaloy sa opisina.

Ayon sa pag-aaral na inilabas noong Huwebes, ang mas mataas na presensya ng fine particulate matter (PM2.5) at mas kaunting bentilasyon, ay nagpapababa ng response time at iba pang kakayahang kognitibo ng isang empleyado.

“Our study adds to the emerging evidence that air pollution has an impact on our brain. The findings show that increases in PM2.5 levels were associated with acute reductions in cognitive function. It’s the first time we’ve seen these short-term effects among younger adults,” wika ni Jose Guillermo Cedeño Laurent, ang lead author ng pag-aaral.

“The study also confirmed how low ventilation rates negatively impact cognitive function. Overall, the study suggests that poor indoor air quality affects health and productivity significantly more than we previously understood,” dagdag pa nito.

Ang pag-aaral ay isinagawa sa loob ng isang taon kung saan inobserbahan ng mga mananaliksik ang nasa 300 manggagawa mula China, India, Mexico, Thailand, UK at US.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,