31

Oct 10, 2021 @ 21:06
By

Martinez pang-24, Caluza 25th

MULING inalat sina two-time Winter Olympian Michael Martinez at Christopher Caluza sa 2021 Finlandia Trophy sa Espoo, Finland Sabado.

Tumapos si Martinez sa 23rd place ng men’s short program sa minarkang 55.62 puntos at pang-24 sa free skating sa likod ng 101.16 points.

Masaklap na pagbabalik ito sa 24 na taong-gulang na skater mula sa tatlong taong pamamahinga sa mga kumpetisyon dahil sa injury.

Lumapag naman sa 22nd sa short program si Caluza sa 59.74 pts. habang nangulelat sa 26th sa free skating sa 96.50 markers.

Sa overall ranking, 24th Martinez at 25th ang PH 2019 Southeast Asian Games silver medalist na si Caluza.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?