40

Feb 15, 2018 @ 22:48
By

Martinez markado sa Pyeongchang

Markado ng Filipinos ang Feb. 16 sa kalendaryo, dahil uumpisahan na ni Michael Martinez ang kampanya ng Pilipinas sa 23rd Winter Olympic Games 2010 sa Pyeongchang, South Korea.

Alas-nuwebe ng umaga ang iskedyul ng sabak ni Martinez sa preliminaries ng men’s singles skating.

Humabol lang sa Winter Games si Martinez, nalibre ng ticket nang i-pull out ng Sweden ang pambato nilang si Alexander Majorov.

Pangalawang Olympics na ito ni Martinez, 21, pagkatapos sa Sochi noong 2014 nang tumapos siya sa 19th place.

Dalawa ang Pinoys na ipinadala ng bansa sa Pyeongchang, kasama si Asa Miller na haharurot naman sa men’s giant slalom ng alpine skiing event.

Sa Feb. 18 ng 9:15 a.m. unang papagitna sa Run 1 si Miller, flag bearer ng PHL contingent sa opening ceremony ng Games. (Vladi Eduarte)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?