30

Oct 8, 2021 @ 23:06
By

Martinez, Caluza inalat sa Finland skatefest

Inalat sina figure skaters Michael Martinez at Christopher Caluza sa men’s short program ng 2021 Finlandia Trophy sa Espoo, Finland Biyernes ng madaling araw (Manila time).

Lumapag sa pang-22 puwesto ang Philippine 2019 Southeast Asian Games silver medalist si Caluza sa likod ng 59.74 points.

Mas nakadidismaya pa ang tinapos ni two-time Winter Olympian Martinez na 23rd placer sa nasabi ring event sa 55.62 pts.

Sasabak pa ang dalawang pambato ng Philippine Skating Union sa free skating ng torneo na sisimulan Biyernes ng gabi.

Kalahok din sa women’s division si Fil-Am Sofia Frank.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?