24

By

Martin, Regine show sa GMA, fake news

Sharing is caring!

Sa April 21 ang alis ni Martin Nievera pa-Las Vegas, Nevada para sa funeral ng yumaong tatay niya na si Bert Nievera. May show rin siya with The Society of Seven sa M Resort and Casino on April 28.

Pumirma nga rin pala ng renewal contract sa Kapamilya network si Martin.

Ang pagpirma uli ni Martin sa Dos ang patunay na mali ang tsika ng iba na magkakaroon daw ng show sa GMA 7 ang Concert King kung saan ay makakasama niya si Regine Velasquez-Alcasid.

Of course, obvious na walang katotohanan ang tsikang ‘yon. Sa pagpirma nga uli ni Martin sa Dos, umaasa ang fans niya na mabibigyan na siya ng talk show dahil napakagaling ng singer/TV host sa ganoong klase ng show, ‘noh?!

Madalas ngang sabihin noon ni Martin na kahit super late night show ay type niyang gawin at siya ang magsasabi ng, ‘Good evening, Philippines!’

Anyway, marami ang nakapansin na medyo okey na rin naman si Martin ngayon na masyadong ininda ang pagkamatay ng kanyang tatay. Pero sa tuwing nagkukuwento raw si Martin, palaging kasama sa mga kuwento niya si Mang Bert.

Sa Sunday nga pala, nasa ASAP uli si Martin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?