277

Jul 11, 2018 @ 21:19

Martin Nievera tablado sa ABS-CBN?

Nakabalik na pala ng bansa noong isang araw si Martin Nievera at kahapon, sumalang na siya sa ta­ping ng kanyang talk show sa ANC (cable network channel ng ABS-CBN), ang LSS (Long Story Short): The Martin Nievera Show, na napapanood tuwing Monday ng 10:30PM.

Maganda ang feedback sa bagong talk show na ito ni Martin, lalo na ‘yung episode last Monday kung saan ininterbyu niya ang anak-anakang si Matteo Guidicelli kaya naman may mga nagre-request pala na ipalabas din ito sa mismong ABS-CBN, huh!

Mapagbigyan kaya ng big bosses ng Kapamilya network ang request ng mga fan ng Concert King?

Sa taping nga pala kahapon sa Makati City sa bahay ng isang kilalang businessman, natuwa ang staff kay Martin dahil kahit kagagaling lang niya ng Honolulu, Hawaii ay parang normal na normal siya kapag nagte-take sila at hindi kababakasan ng jet lag! (Jun Lalin)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?