129

Oct 10, 2017 @ 11:28

Martin Nievera, spotted na naka-taxi, Wala nang datung?

KAHIT uso na ang Uber at Grab, at sinasabing mas konti na ang sumasakay ng taxi, last week ay nag-post ang manager ni Martin Nievera, si Joy Alonzo, sa kanyang Instagram ng video tungkol sa pagsakay nila ng taxi ng kanyang alaga.

Akala namin ay nasiraan ng kotse si Martin, kaya napilitan silang mag-taxi ng kanyang mga kasamahan, pero kuwento ni Joy, nakatuwaan lang daw nila na sumakay ng taxi.

“May corporate show kasi kami sa may bandang Macapagal Avenue. Kilala mo naman si Martin, nagsa-sound check talaga ‘yan. After ng sound check, gusto ng band members na kumain sa ABE in Solaire (Resort and Casino).

“Mga three blocks away lang naman ‘yung venue ng corporate show namin at may kotse talaga kami, kaya lang, nagbibiruan. Niloloko namin si Martin na mag-taxi na lang kami papunta sa Solaire. Just for fun.

“Nagulat ako, pumayag si Martin. Game siya na sumakay ng taxi, kaya tinotoo na namin. Tuwang-tuwa nga ‘yung taxi driver na naghatid sa amin hanggang sa Solaire,” kuwento ni Joy.

Ipinadala sa amin ni Joy ‘yung video habang sakay sila nina Martin ng taxi at super-saya nila. Super tsika-tsika nga si Martin sa taxi driver.

Anyway, from Solaire naman, na si Martin ang endorser, hindi pumayag ang mga tagaroon na mag-taxi ang Concert King pabalik sa corporate event niya dahil ipinahatid naman sila ng kanilang limousine service. (Jun Lalin)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?