813

Dec 26, 2017 @ 16:05
By

Martin Nievera kina Pops nag-Christmas

Kina Pops Fernandez at mga anak nila nag-celebrate ng Christmas si Martin Nievera bitbit si Santino.

Nakaposte sa IG wall ni Pops ang ilang mga larawan ng Christmas gathering sa tahanan nito kasama ang mga anak nilang sina Robin at Ram, at iba pang mga family members and guests.

Pinasalamatan ni Pops si Martin at Vix Nievera sa pagbisita nito sa kanilang Christmas celebration bitbit si Santino.

Makikita sa photo na mahigpit ang pagkakayakap ni Pops kay Santino. May mga shots na magkakasama sina Santino, Robin at Ram habang nakaupo sa sofa at may kanya-kanyang bitbit na cellular gadget.

Kabilang sa mga bisita ay ang kasintahan ni Robin na si Zia Quizon. Habang nasa Japan ang ina nitong si Zsa Zsa para sa bakasyon nito, sa piling ng boyfriend at Pops nag-celebrate ng holiday season ang singer-composer-musician.

Larawan nang masayang family get-together ang IG wall ni Pops ng mga photos nila sa kanyang bahay.

Touching at inspiring naman ang larawan ni Vhong kasama ang kanyang buong pamilya at mga anak, pati na mga kapatid sa isang ospital.

Nakaratay sa hospital bed ang isang matandang hindi na pinangalanan pa nang It’s Showtime host.

Hindi pinalampas ni Vhong ang pagkakataong hindi makapag-photo opt sa matanda at kahit naka-surgical mask silang lahat at makikitang naka-oxygen ang pasyente nagpakuha pa sila nang larawan.

Healing-message ang ipinadalang comment ng kasamahan nya sa show na si Amy Castillo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?