44

Sep 3, 2021 @ 12:46

Martin Nievera binirit ‘Lupang Hinirang’ sa California

Tumugtog sa unang beses ang Pambansang Awit ng Pilipinas sa isang game ng Los Angeles team sa California, Amerika.

Ang kumanta, walang iba kung hindi si OPM legend Martin Nievera.

Ibinahagi naman ng singer ang naturang historical moment sa kanyang Instagram.

“First Philippine National Anthem at a Dodgers game! What an awesome honor!” sey niya sa caption

Makikita sa video ang “goosebumps” moment ng pag-awit ni Nievera ng Philippine National Anthem sa Dodgers Stadium habang napapalibutan ng dagat ng mga ‘Kano.

Napa-nganga naman dito ang ilang personalidad.

“@matteog The best!!❤️”

“”@jackielou.blanco Wow!!!!! So proud of you!!!

“@vhongx44 Mabuhay ka Coach! 🙌🏻🙌🏻🙌🏻

“@gretchenho 🇵🇭🇵🇭🇵🇭😊👏🏻👏🏻👏🏻

“@lanimisalucha Wow! 👏👏👏👏👏

“@ricoblanco100 your rendition 💯🔥”

Bukod kay Nievera, bumida rin si American-Filipino Jo Koy sa naturang event kung saan siya ang gumawa ng ceremonial first pitch para sa Dodgers game kasabay ng Filipino Heritage Night.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?