9

By

Martin malaki ang sampalataya sa Abante

Sharing is caring!

Maging ang singer/TV host na si Martin Nievera, kahit sosyal pa ang tingin sa kanya ng marami, naniniwala rin na hindi mawawala ang Tabloid sa ating bansa.

Ilang beses na ngang naikuwento ni Martin na kapag nata-traffic siya noon at may mga nakikitang nagbebenta ng tabloids, sinisilip-silip niya ang mga balita roon.

Sinisigurado rin ni Martin na sa mga pa-presscon sa kanya lalo na sa pagiging endorser niya ng Solaire Resort & Casino ay palaging invited ang mga taga-tabloid!

Sa tuwing nagkakakuwentuhan din kami ni Martin, natutuwa siya kapag nababanggit ko na isinulat ko siya sa Abante!

Natuwa rin si Martin nang banggitin ko sa kanya na 31st anniversary na ng Abante!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?